Showing posts with label Citizenship/Domicile. Show all posts
Showing posts with label Citizenship/Domicile. Show all posts

Wednesday, July 6, 2011

Moy Ya Lim and Lau Yuen Yeung vs. The Commissioner of Immigration


Facts: Lau Yuen Yeung (tawagin na lang natin siyang Miss Lau) ay isang Chinese national mula Hong Kong na nag-apply ng temporary passport/visa noong Marso 13, 1961. Isang buwan lang ang bisa ng visa niya, bonded ng P1000. Ngunit noong Enero 25, 1962, isinaad ni Miss Lau na nagpakasal na siya kay Moy YaLim Yao alias Edilberto Aguinaldo Lim, na isang Filipino citizen. Si Miss Lau ay hindi marunong magsalita, magsulat o magbasa ng Ingles, Tagalog o Espanol. 


Issue: Kung naging mamamayan na ba ng Pilipinas si Miss Lau dahil sa kanyang pagpapakasal sa isang mamamayan ng Pilipinas, si Moy Ya Lim. 


Held: Nasasaad sa batas (Commonwealth Act No. 473, section 15) na "any woman who is now or may hereafter be married to a citizen of the Philippines, and who might herself be lawfully naturalized shall be deemed a citizen of the Philippines." 


Ayon sa Commissioner of Immigration, wala sa testimonya ni Miss Lau ang kahit na anong disqualification for naturalization na nakasaad sa Commonwealth Act No. 473, section 4.


Alinsunod sa tradisyong Pilipino tungkol sa pamilya, hindi maaari na ang asawang lalaki ay mamamayan ng Pilipinas at ang asawang babae ay hindi, at ang pagtrato sa dayuhan ay naiiba. 


Hindi porke't maaaring may umabuso sa batas na nakasaad sa itaas, ay pawawalambisahin na ang batas na ito. Kung magkakaroon man ng mga ganitong pangyayari ay lilitisin na lang accordingly. 



Romualdez-Marcos v. COMELEC

Imelda Romualdez-Marcos v. COMELEC and Cirilo Roy Montejo


Facts: Si Imelda Romualdez-Marcos ay isang ganid na pulitiko na tumakbo bilang kongresista ng Tolosa, Leyte, kung saan hindi siya nanirahan ng pitong buwan tulad ng nakasaaad sa batas. Naging residente siya ng Maynila at San Juan, kongresista ng Maynila, at minsan pa'y naging gubernador na rin ng Lungsod ng Maynila. Unang sinulat ni Imelda na siya ay residente ng Tolosa sa loob ng "seven months," ngunit by virtue ng "honest mistake" ay ni-recant niya ito at sinabing mula pagkabata niya ay residente siya ng Leyte: "she has always maintained Tacloban City as her domicile or residence."

Sa loob ng maraming taon bilang isang de-facto hegemon ng bansang ito, nagpalipat-lipat ang kanyang pagrerehistro bilang botante sa San Juan, Rizal at sa Maynila. 

Issue: Kung ang pagtakbo ni Imelda ay konstitusyonal, i.e., kung talaga bang residente siya ng Tolosa, dahil sa Leyte siya nag-aral ngunit lumipat ng Maynila noong pinakasalan niya si Makoy. 

Held: Ayon sa mayorya (4 sa 6 na hustisya), si Imelda Romualdez-Marcos ay maituturing na isang residente ng Tolosa, Leyte at for all purposes of goddamn elections ay maaari siyang tumakbo bilang kongresista ng lugar na ito. Ang kanyang mga "homes" at "residences" sa iba't-ibang parte ng Metro Manila ay temporaryo lamang. Siya ay isang domicile at legal resident ng Unang Distrito ng Leyte ayon sa batas. 

Ang kanyang "domicile of origin" ay kung saan domicile ang kanyang magulang. Hindi porke't nagpakasal siya kay Makoy na may maraming residences ay nawala na ang kanyang domicile of origin. At dahil sinulatan niya ang Chairman ng PCGG na gusto niyang "rehabilitate (our) ancestral house in Tacloban and Farm in Olot, Leyte. . . to make them livable for the Marcos family to have a home in our homeland." Noong 1992 rin ay nakakuha siya ng residencecertificate sa Tacloban, isang rason na sumusuporta na nais niyang manirahan sa Leyte. 

Irrelevant to the case yet funny stuff: "[I]n February 1986 (she claimed that) she and her family were abducted and kidnapped to Honolulu, Hawaii.

Frivaldo vs COMELEC

Juan Gallanosa Frivaldo v. COMELEC and the League of Municipalities, Sorsogon Chapter, Herein Represented by its President, Salvador Nee Estuye


Facts: Nanalo bilang gobernador ng Sorsogon si Frivaldo noong Enero  22, 1988, ngunit nalaman ng League of Municipalities na siya'y isang naturalized American citizen noong Enero 20, 1983. Depensa ni Frivaldo: kinailangan niyang maging American citizen dahil sa paghabol sa kanya ng mga ahente ng Diktador. Bumalik siya sa Pilipinas matapos ang EDSA upang tumulong sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. 

Ayon sa COMELEC at sa Solicitor-General nito, si Frivaldo ay hindi mamamayan ng Pilipinas. Ayon sa batas, (Art. IX, Section 1 ng Konstitusyon; Section 117 ng Omnibus Election Code; Article V, Section 1 ng Konstitusyon), ang isang hindi mamamayan ng Pilipinas ay hindi maaaring maging botante ng Pilipinas, atbp.

Issue: W/N si Frivaldo ay isang mamamayan ng Pilipinas o hindi sa panahong nanalo siya bilang gobernador ng Sorsogon noong Enero 22, 1988. 

Held: Kups, hindi porke't natakot ka sa mga ahente ni Makoy noong nasa kapangyarihan pa siya ay maaari mo nang iwanan ang iyong pagkamamamayan AT matapos na siya'y mawala ay maging gobernador na lang nang hindi pa tinatalikuran ang pagiging American citizen mo. Maaari naman sanang naibalik ang pagiging mamamayan ng Pilipnas, sa pamamagitan ng isang direktang Act of Congress, ang proseso ng naturalisasyon, at repatriation. 

Dahil sa kanyang pagfo-forfeit ng kanyang American citizenship, ngunit hindi necessarily ang pag-reclaim ng kanyang Philippine citizenship, isa siyang stateless kups. Hindi porke't nanalo ang isang kups sa elesyon ay valid na mamamayan na siya ng Pinas.