Wednesday, July 6, 2011

Romualdez-Marcos v. COMELEC

Imelda Romualdez-Marcos v. COMELEC and Cirilo Roy Montejo


Facts: Si Imelda Romualdez-Marcos ay isang ganid na pulitiko na tumakbo bilang kongresista ng Tolosa, Leyte, kung saan hindi siya nanirahan ng pitong buwan tulad ng nakasaaad sa batas. Naging residente siya ng Maynila at San Juan, kongresista ng Maynila, at minsan pa'y naging gubernador na rin ng Lungsod ng Maynila. Unang sinulat ni Imelda na siya ay residente ng Tolosa sa loob ng "seven months," ngunit by virtue ng "honest mistake" ay ni-recant niya ito at sinabing mula pagkabata niya ay residente siya ng Leyte: "she has always maintained Tacloban City as her domicile or residence."

Sa loob ng maraming taon bilang isang de-facto hegemon ng bansang ito, nagpalipat-lipat ang kanyang pagrerehistro bilang botante sa San Juan, Rizal at sa Maynila. 

Issue: Kung ang pagtakbo ni Imelda ay konstitusyonal, i.e., kung talaga bang residente siya ng Tolosa, dahil sa Leyte siya nag-aral ngunit lumipat ng Maynila noong pinakasalan niya si Makoy. 

Held: Ayon sa mayorya (4 sa 6 na hustisya), si Imelda Romualdez-Marcos ay maituturing na isang residente ng Tolosa, Leyte at for all purposes of goddamn elections ay maaari siyang tumakbo bilang kongresista ng lugar na ito. Ang kanyang mga "homes" at "residences" sa iba't-ibang parte ng Metro Manila ay temporaryo lamang. Siya ay isang domicile at legal resident ng Unang Distrito ng Leyte ayon sa batas. 

Ang kanyang "domicile of origin" ay kung saan domicile ang kanyang magulang. Hindi porke't nagpakasal siya kay Makoy na may maraming residences ay nawala na ang kanyang domicile of origin. At dahil sinulatan niya ang Chairman ng PCGG na gusto niyang "rehabilitate (our) ancestral house in Tacloban and Farm in Olot, Leyte. . . to make them livable for the Marcos family to have a home in our homeland." Noong 1992 rin ay nakakuha siya ng residencecertificate sa Tacloban, isang rason na sumusuporta na nais niyang manirahan sa Leyte. 

Irrelevant to the case yet funny stuff: "[I]n February 1986 (she claimed that) she and her family were abducted and kidnapped to Honolulu, Hawaii.

No comments:

Post a Comment