Wednesday, July 6, 2011

Moy Ya Lim and Lau Yuen Yeung vs. The Commissioner of Immigration


Facts: Lau Yuen Yeung (tawagin na lang natin siyang Miss Lau) ay isang Chinese national mula Hong Kong na nag-apply ng temporary passport/visa noong Marso 13, 1961. Isang buwan lang ang bisa ng visa niya, bonded ng P1000. Ngunit noong Enero 25, 1962, isinaad ni Miss Lau na nagpakasal na siya kay Moy YaLim Yao alias Edilberto Aguinaldo Lim, na isang Filipino citizen. Si Miss Lau ay hindi marunong magsalita, magsulat o magbasa ng Ingles, Tagalog o Espanol. 


Issue: Kung naging mamamayan na ba ng Pilipinas si Miss Lau dahil sa kanyang pagpapakasal sa isang mamamayan ng Pilipinas, si Moy Ya Lim. 


Held: Nasasaad sa batas (Commonwealth Act No. 473, section 15) na "any woman who is now or may hereafter be married to a citizen of the Philippines, and who might herself be lawfully naturalized shall be deemed a citizen of the Philippines." 


Ayon sa Commissioner of Immigration, wala sa testimonya ni Miss Lau ang kahit na anong disqualification for naturalization na nakasaad sa Commonwealth Act No. 473, section 4.


Alinsunod sa tradisyong Pilipino tungkol sa pamilya, hindi maaari na ang asawang lalaki ay mamamayan ng Pilipinas at ang asawang babae ay hindi, at ang pagtrato sa dayuhan ay naiiba. 


Hindi porke't maaaring may umabuso sa batas na nakasaad sa itaas, ay pawawalambisahin na ang batas na ito. Kung magkakaroon man ng mga ganitong pangyayari ay lilitisin na lang accordingly. 



No comments:

Post a Comment